Kung ako ay ihahalintulad sa isang bagay, ako ay isang payong. Pinoprotektahan ng payong ang tao sa ulan at matinding sikat ng araw. Ngunit karamihan sa mga tao ay hindi napapansin ang kahalagahan nito, lalo na kung hindi masyadong mainit at walang ulan.
maihahalintulad ko ang aking sarili sa payong dahil gaya ng payong napoprotektahan ko rin ang mga taong malapit sa akin kayag sila ay may mga problema. Ngunit pag wala silang problema ay parang hindi na nila napapansin kung gaano ako kahalaga.
No comments:
Post a Comment